It’s nice that we have mini get togethers with the Belenismo group! Thanks to Tita Isabel and Isa for always getting us together
Our busy friend getting into politics, running for governor in Tarlac! I told her that this is just the beginning – she should get used to the way things are and be strong
People coming and going due to our busy schedules – I arrived late and Bum had to leave
Yummy Thai food at Azuthai
Philippine Star, February 1, 2013 by Cito Beltran
Sino si Isa Cojuangco Suntay?
Doktor na may pusong matulungin! Sino lang ang doktor na nag-pakadalubhasa sa medisina sa Harvard Medical School sa Amerika na matiyagang lumilibot sa lahat ng 18 bayan at syudad ng Tarlac upang buong -pusong nanggagamot ng mga mahihirap simula pa noong 2007? Sino lang ang doktor na dating iskolar ng Unibersidad ng Pilipinas na buong pusong humaharap at nag-bibigay lunas sa mga may malubhang sakit, tulad ng ketong, gamit ang sarili niyang pondo? Wala ng iba kundi si — Isa Cojuangco Suntay. Tunay si Isa ay may pusong matulungin at mapag-silbi, lalo na sa mga kapos-palad ng Tarlac. Sa pamamagitan ng proyekto ni Isa na Tarlac Community Skin Clinic, at sa tulong ng mga kaibigan niyang kapwa espesyalista sa St. Luke’s Medical Center, mahigit 5,000 mamamayan sa buong Tarlac na ang nabigyan ng libreng konsultasyon at gamot. Dahil sa kanyang pusong matulungin at mapagbigay, ang kanyang proyektong Tarlac Community Skin Clinic ay nagwagi ng tanyag na L’Oreal Galderma International Award for Social Responsibility in Dermatology sa World Congress of Dermatology noong Mayo 2011. Walang inuurungan, basta matutulungan!
Pag-dating sa pagtulong sa Tarlac, si Isa Cojuangco Suntay ay walang inuurungan. Kaya nga kahit abutin ng hating gabi o madaling araw at kahit mataas ang tubig sa mga binahang baranggay sa Moncada, Camiling, Mayantoc, Paniqui, Anao at Sta. Ignacia, si Isa ay pumunta, sakay sa isang trak, at mamigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Pedring noong Setyembre 2011, at bagyong Quiel noong Oktubre 2011. Kahit sa mga liblib na bundok ng Iba, San Jose, si Isa ay pumunta rin, kahit abutin ng gabi, upang magbigay tulong sa mga katutubo sa kanilang pag-ani ng kanilang palay. Todo sipag, maaasahan! Kahit siya ay isa lang pribadong indibidual, at kahit walang suporta ng gobyerno, buong sipag at tiyaga na sinimulan at pinamunuan ni Isa Cojuangco Suntay ang maraming matagumpay na proyekto sa Tarlac, tulad Belenismo sa Tarlac, na nag-patanyag sa Tarlac bilang Belen Capital of the Philippines. Maliban sa nabanggit na proyekto, tinaguyod din ni Isa ang Hardin ng Lunas, kung saan daan daang mamayan ang nakinabang sa libreng pag-aaral sa pagtanim ng gulay, at nakatanggap ng libreng punlang gulay, Isabel Cojuangco Suntay Youth Leadership Award, kung saan ang mga matatalino ng kapus palad na mga mag-aaral ng Tarlac College of Agriculture (TCA) ay nabigyan ng tulong pinansyal, at Goat Dispersal Project, kung saan, siya ay namahagi ng libreng imported na kambing para mapalaganap ang mas malalaki at malulusog na kambing para sa mga bayan ng Tarlac. Sa kanyang sipag at tiyaga, bilib tuloy ang ating President na si Benigno S. Aquino III kaya noong Oktubre 2012 sa paglungsad ng Hardin ng Lunas sinabi nya: “Hindi ko na maisip kung saan pa niya hinuhugot ang lakas at panahon para maipagsabay ang kanyang trabaho at mga adbokasiya.
Bilib po talaga tayo sa kanya.” Simple, hindi pulitiko, at hindi pasikat! Sa pag-libot niya sa lahat ng bayan ng Tarlac, siya ay simple lang at hindi nag-papapansin o nagbibida sa media. Mula katutubo sa bundok ng San Jose, magsasaka sa Camiling o Paniqui, pulis sa Mayantoc, empleyadong gobyerno sa Moncada, tricycle driver sa Pura, tindera sa palengke – lahat ay madaling nakakalapit kay Isa, dahil sya ay simple lang at hindi mayabang. Malinis, mapagkakatiwalaan at di magnanakaw. Si Isa Cojuangco Suntay ay walang bahid ng anomalya at kontrobersiya sa gobyerno. Kaya nais rin niya na ang Pamahalaan ng Probinsya ng Tarlac ay maging malinis at may integridad. “Hindi ako mag-nanakaw. Hindi ko hahayaan ang pagnanakaw sa gobyerno. Ako ay magsisilbi, hindi ako ang mag-papasilbi. Babaguhin ko ang pulitika sa Tarlac. Ang mananaig: sipag sa serbisyo, malinis na gobyerno,” yan po ang simpleng mensahe ni Isa para sa Tarlac.
Isa Cojuangco Suntay Integridad. Serbisyo. Aksyon.
[email_link]
Dear Rica,
We are happy to read that Heart to Heart continues to share stories that inspire like Etiquette de Manille’s. Ms Pauli has not only enhanced the moms and children at educare through her workshops, but has also given them love. As the Italians say, Brava ! ! !
Sincerely,
Steven